Si Mark, bestfriend ko. Nasa heaven na siya for almost 3 years. I call him Macho (kasi super payat. HAHAHA) & Papsie. Pano nagsimula ang aming friendship? Hmm.
Nakilala ko tong lalakeng to nung panahon na umiiyak ako, pumunta ako sa park malapit sa school nila, dun kasi ako naglalakad lakad lagi ka bang madami akong iniisip. Habang nakaupo ako, may isnag lalakeng lumapit sakin, nagulat nga ako kasi bigla siyang nagsalita at nagkwento, mawawalan daw kasi siya ng kaibigan, yung kaibigan niya na yun eh lagi niyang kasama mula bata pa siya, and nung nalaman niya na mawawala na yung kaibigan niya na yun, nawalan na rin siya ng pag-asa.. Umiiyak pa nga siya habang sinasabi niya yun.Then bigla niyang hinawakan yung kamay ko, tumingin siya sakin at pinunasan yung mga mata ko. Then nagpakilala na siya, and ako din. Di ko akalain na magiging close kami ng sobra, para na nga kaming magkapatid eh. Hindi ako normally nakikipagkaibigan sa mga lalake, pero pagdating kay Mark, wala eh, buo yung tiwala ko sa kanya. Madaming nagkaka-gusto dyan, gwapo naman kasi talaga kahit na suplado siya. Madami ngang nagtaka na naging super close kami kasi hindi yan masyadong nakikipagkaibigan masyado. Nung unang beses na dinala niya ko sa bahay nila, tatay niya una kong nakilala, cool yung family niya eh. Akala nila Girlfriend ako ni Mark, ako pa lang kasi yung unang babaeng dinala niya sa bahay nila. Malaki nga daw yung pinagbago niya simula nung nagkakilala kami, naging masayahin at lumalabas na ng bahay. Hindi siya katulad ng ibang lalake na mahilig sa computer games, mas gugustuhin niyang magbasa ng libro kesa maglaro. Kahit tahimik siya, madami siyang talent, marunong siyang mag-drums, gitara at piano and may boses din siya.
Feeling ko kapag kasama ko siya, safe ako. Hindi ako nagpapa-hug sa ibang lalake unless boyfriend ko or close talaga sakin. Pero pagdating sa kanya, kapag niyakap niya ko, okay lang. Ganun ako kacomfortable sa kanya. Kaya kong maging ako kapag siya yung kasama ko. Mahilig siyang isurprise ako, as in.
Alam niyo ba kung ano yung ginagawa niya kapag may problema ako? Bibili yan ng lobo, then bibigyan niya ko ng papel at lapis para dun ko isusulat lahat ng sama ng loob ko, then itatali namin sa lobo at papaliparin. After nun, wala na, okay na ulit ako.
Isa pa, mahilig kaming tumingin sa langit lalo na pag gabi, we both love stars. Kaya yung nasa picture na star keychain? Siya nagbigay nun sakin. Yung bear na keychain? Siya din nagbigay nun kasi alam niya na mahilig ako sa bears. Yung timezone card? Kapag siya naman may problema, yayayain na ko niyan maglaro, dun niya ibubuhos lahat ng oras niya, hanggang sa maging okay siya. And yung sa Mcdo? Mahilig yan kumain, at ikakain niya ng ikakain laht ng sama ng loob niya.
Gusto niyang magpiloto sana. Bakit? Hindi dahil gusto niyang pumunta ng ibat ibang lugar, kundi gusto niyang maramdaman kung ano yung feeling na nasa langit ka, nakikita yung ulap. Funny no? Kasi sa kagustuhan niyang makita yung langit at ulap, eh nandun na siya ngayon at alam kong kahit di natupad yung pagpipiloto niya eh natupad naman yung pagarao niyang mapunta sa langit at makita yung mga ulap. :)
Nung hindi ko pa alam na may sakit siya, madami na kong kakaibang napapansin sa kanya. Kapag nagkikita kami, madami siyang pasa, bawat araw nadadagdagan, eh ang reason niya eh dahil daw sa paglalaro niya ng soccer kaya ganun. And then one day, nagpa-kalbo na siya, eh ayaw na ayaw pa naman nun na ginagalaw yung buhok niya. One month after siyang mawala, dinala niya ko kung saan kami unang nagkakilala, umamin siya sakin na hindi totoo yung kaibigan niyang mawawala na, siya daw talaga yun. Bago pala siya pumunta dun, galing siyang doctor, and nalaman niya na meron na nga siyang sakit. He was crying, at napaiyak na rin ako sa nalaman ko. Di ko napigilan na yakapin siya at umiyak. Madami siyang sinabi nung araw na yun. Meron siyang dalang dalawang lobo, lapis at papel. Normally kais ako lang sumusulat, pero nung day na yun, pareho na kami. Habang sumusulat, di ko mapigilan umiyak.
Dumating kami sa point ni Mark na umamin siya sakin na mahal niya ko, pero hindi niya ko niligawan kasi nirerespeto niya yung pagiging magkaibigan namin at alam niyang hanggang dun na lang kami. Sinabi niya sakin na mas madami pa akong makikilala at mas maalagaan ako ng mas matagal na hindi niya na kayang gawin kasi nga mawawala na din naman siya. Hindi niya ko niligawan kasi ayaw niyang sagutin ko siya dahil lang naaawa ako sa kanya dahil may sakit siya. Mas pinili niya na maging magbestfriends kami. Sinabi sakin nung kaibigan ko na ako nga daw yung first & last love niya. Aww.
Kung pwede ko lang ibalik yung panahon, kung kaya ko lang siyang ibalik dito, gagawin ko. I miss him, I miss my bestfriend so much. At habang tintype ko to, umiiyak na naman ako. :( Hanggang nagyon masakit pa rin para sakin na mawalang ng isang taong mahalaga sayo. Sa lahat ng lalakeng nakilala ko, sa kanya ko lang binigay yung buong tiwala ko. Sana, mas matagal ko pa siyang nakasama. Sana nung mga panahon na nandito pa siya, eh napasaya ko naman siya. Siya yung nag-iisang tao na kahit na tinutulak ko na palayo sakin eh nag-stay pa rin sa tabi lalo na nung mga panahon na kelangan na kelangan ko talaga siya.
I know he’s happy na kung nasaan man siya. :)